View Archives:

Testimonials


Maria Lota B. Versoza

  • Date Received: June 3, 2011
  • Position: Laboratory Technician
  • Principal: King Khalid Military City Hospital

Hi ma'am Monina! Kumusta po kayo? Natatandaan nyo pa ho ba ako? Isa po ako sa mga pinalipad ng agency nyo nung 2009 bound for KKMCH Hafr al Batin. Masaya naman po ang naging stay ko dito, marami po akong natutunan at lubos po akong nagpapasalamat sa binigay nyong opurtunidad sa akin. Medyo nakakalungkot lang po ang sitwasyon namin dito ngayon. Siguro po may mga nababanggit na rin po yong mga nauwi na. Kailangan lang talagang tyagain at isiping may umaasa sa amin kya kahit mahirap, kakayanin.


Ma'am, pwede nyo po ba ako ulit tulungan? Matatapos na po kasing kontrata ko sa October, gusto ko po sanang sumubok sa ibang hospital dito sa Saudi. Maaari nyo po ba akong i-apply sa iba?


Tulungan nyo po sana ako ulit abutin ang pangarap ko para sa aking pamilya.


Maraming salamat po.


Lubos na umaasa,

Maria Lota Versoza